Spicy Pork Liempo in Peanut Butter Sauce

by Marlene Carlos
(Caloocan City,Philippines)

Spicy Pork Liempo in Peanut Butter Sauce

Spicy Pork Liempo in Peanut Butter Sauce

Mahilig akong kumain at magluto,kaya naman nahihilig din akong magresearch at magreinvent ng mga pagkain, gaya ng nangyari sa recipe na ito.


Last Tuesday(oct.22) ko lang ito nagawa at so far happy ako sa kinalabasan ng dish, may nakita kasi akong leftover na peanut butter sa table namin at naisip ko lang na lagyan ng peanut butter yung pork na ima-marinate ko at nagustuhan naman ng 2 kong anak at syempre din ako.

Panalo daw po yung bago kung imbento, ha ha ha at nung in-upload ko yung picture ng dish sa Facebook ko ang daming naglike at humingi ng recipe,kaya naman sine-share ko din sa kanila lalo na yung nasa abroad, dahil gusto ko rin naman ma-enjoy at matikman nila yung recipe na aking ginawa.

Spicy Pork Liempo in Peanut butter Sauce

Ingredients:
1/2 kl pork liempo
1/3 cup barbecue sauce
1 tbsp.5 spice powder
1 tbsp.chopped garlic
1 tbsp.soy sauce
2 tbsp.calamansi juice
1 tbsp.brown sugar
3 tbsp.peanut butter
magic sarap
1 tsp.chili flake
1 tsp.rosemary
2 cups water
3 pcs.sili labuyo

Procedures:

1. Hugasan at hiwain ang Liempo ayon sa gusto ninyong laki, pakuluan.

2. I-marinate ang liempo sa lahat ng sangkap, maliban sa tubig at sili ng 2 oras o higit pa para mas kumapit ang lasa nito sa karne.

3. Pag nai-marinate na ilagay sa kawali, pakuluan hangang sa ito ay lumambot at lumapot,ilagay ang sili na hiniwa.

4. Tikman ang lasa kung tama na sa inyo ang anghang, tamis at lasa ng peanut butter at kung hindi maari pa ninyo ito dagdagan ng sili,asukal at peanut butter .

5. I-serve ng mainit,na me maraming kanin at inuming tubig para panulak.

Enjoy and happy eating po.

Join in and write your own page! It's easy to do. How? Simply click here to return to Do you have a Filipino food recipe to share?.

Subscribe to filipino-food-recipes.com to get access to our Recipe Index Page!

Don't worry, your email address is totally secure

and will only be used to send you updates!



Mytaste.ph